Mayor Cayetano, hinimok ang mga residente na nagbakasyon na magpa-test kontra COVID-19 bago bumalik ng lungsod

Nakiusap si Mayor Lino Cayetano sa mga residente ng Taguig na nagbakasyon ngayong holidays na magpa-test muna bago bumalik ng lungsod.

Ayon kay Cayetano, ito ay para matiyak sa safe sila laban sa virus at matiyak na hindi na dadami pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Layunin ng pamahalaang lungsod ng Taguig na hindi madagdagan pa ang bilang ng nahahawa ng nasabing sakit sa pagpasok ng 2021.


Batay sa tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU), bago matapos ang taon 2020 nakapagtala sila ng 10,609 na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, 10,405 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit at 157 ang nasawi, habang nasa 47 naman ang bilang ng active cases sa lungsod.

Facebook Comments