Angelica Panganiban, pinatulan ang netizen na tumawag sa kanya na “laspag”!

802

Hindi inatrasan ng aktres na si Angelica Panganiban ang isang netizen matapos tawagin siyang “laspag” dahil sa dami na raw niyang nakarelasyon.

 

Say ni Angelica, hindi magandang halimbawa na ang kapwa mo babae ay babastusin mo sa maraming tao dahil dene-degrade aniya ito ng kababaihan.

 

 

Dagdag pa ng 32-years old actress, hindi naman siya apektado ng mga pangba-bash sa kanya pero kailangan mabigyan nang atensyon ang ginawa niya para tumigil na siya.

 

Kabilang sa mga naka-relasyon ni Angelica sa Showbiz Industry sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz at Carlo Aquino.

Facebook Comments