Angelica Panganiban, single pa rin sa kabila ng pagiging “close” nila ni Carlo Aquino

Nilinaw ni Angelica Panganiban ang kanyang estado sa kanyang lovelife sa isang Instagram post noong huwebes ng umaga ng June 28
Nakalagay sa caption ng kanyang instagram post ay ang quote na “Yes, Im single. And you’ll have to be amazing to change that.”


Naiugnay ang post na ito ng kanyang mga followers kay Carlo Aquino na dating kasintahan ni Angelica.
Umaasa ang mga fans ng dating magkasintahan na binansagang CarGel na magkabalikan muli ang dalawa
Tumindi ang espekulasyong nagkabalikan na sila Angelica Panganiban at Carlo Aquino dahil sa madalas nilang pagsasama nitong mga nakaraang araw
Nagpost naman si Angelica noong Martes, June 26 tungkol sa nakakatawang nangyari sa joyride nila ni Carlo.



Noong June 27, nagkaroon ng viral video sa social media kung saan makikita na sweet na sweet ang dalawang dating magkasintahan sa nasabing video.

Facebook Comments