Panunumpa ng mga Nahalal na Opisyal ng Barangay at SK sa City of Ilagan, Naging Makasaysayan!

City of Ilagan – Isang makasaysayan ang naganap na panunumpa kahapon ng mga nahalal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na ginanp sa Community Center ng City of Ilagan, Isabela.

Ito ang inihayag ni Ilagan City Councilor Jun Montereal na ang nasabing panunumpa ay may pinakamalaking bilang ng mga dumalong SK at Barangay Officials kung saan ay umabot ito sa mahigit kumulang na isang libo.

Kabilang umano sa mga dumalo ay ang mga kaibigan at kamag-anak ng mga nanumpa.


Pinangunahan naman ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz at sa kanyang naging mensahe ay hinikayat nito ang mga bagong opisyal na makiisa sa pagsulong at pag-unlad ng lungsod ng Ilagan.

Facebook Comments