Angeline Quinto, inaming nagpabawas ng dibdib

Noong Lunes, inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na nagpabawas siya ng dibdib.
Aniya, sumailalim siya sa breast reduction o reduction mammoplasty tatlong taon na ang nakararaan.
Nagpabawas daw siya dahil nagkakaroon siya ng wardrobe malfunctions.
“Dumarating kasi ang point na sobrang fit na ang gown sa katawan ko and ‘pag dating dito (chest area), mahirap,” sabi ni Angeline.
Samantala, hindi ito ang first time na sumailalim sa surgery si Angge dahil nito lang nakaraang taon nang nagpa-liposuctions siya at double-eyelid surgery.
Balak din sana niyang magparetoke ng ilong pero pinayuhan umano siya ng kanyang doktor na ipagpaliban ito dahil maaapektuhan ang kanyang boses.

Facebook Comments