Angeline Quinto, kumpirmadong may love life na!

229

Inamin na ng singer na si Angeline Quinto, na mayroon na siyang love life ngayon.

Say ng 30-anyos na dalaga, ito raw ngayon ang nagpapasaya sa kaniyang puso at dahilan kaya siya inspired.


Pero bukod rito, ay wala nang ibinigay na detalye ang singer kung sino ang nagpatibok muli ng kaniyang puso.

Una nang naging usap-usapan ang pagkakaroon ng bagong boyfriend ni Angeline matapos mag-post ang singer ng mga larawan kasama ang isang non-showbiz guy noong huling linggo ng July 2020.

Nakilala itong si Nonrev Pelayo Daquino, 26-anyos at taga-Sampaloc, Maynila.

Facebook Comments