Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig, pumalo na sa 3,854

Umabot na sa 3,854 ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Taguig.

Ito’y matapos makapagtala ang health department ng lungsod ng karagdagang 98 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na 24 oras.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Brgy. Lower Bicutan (36), New Lower Bicutan (31), Fort Bonifacio (8), Hagonoy (6), Maharlika (5), Ibayo-Tipas (4), Katuparan (4), Ligid-Tipas (3), at Western Bicutan (1).


Merong 3,050 recoveries ang lungsod habang 40 ang bilang naman ng mga nasawi.

Dahil dito, nasa 764 ang active cases ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments