Angeline Quinto, proud sa pagiging retokada!

No big deal para sa singer na si Angeline Quinto kung siya ay isang retokada.

Say ni Angeline, super proud siya at never na itinago o ikinahiya na dumaan sa siyensiya ang ilang parte ng kaniyang mukha at katawan.

Sa kaniyang recent post na may #RetokePaMore, inisa-isa ni Angeline ang kanyang mga ipinaretoke tulad ng eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, at breast reduction.


Giit ng singer, parte ng kaniyang trabaho sa show business ang maging presentable kaya dapat lang na maganda ito.

Wala rin aniya siyang paki-alam sa sasabihin ng iba dahil sariling pera naman nito ang ginagastos sa pagpaparetoke.

Kamakailan lamang, ipinaayos ni Angeline sa celebrity doctor na si Dra. Vicky Bello ang kaniyang ilong.

Facebook Comments