‘Angel’s of death’ ni Quiboloy, mga totoong tao – PNP

Ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na mga totoong tao ang ginawang panakot ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy na mga ‘Angel’s of death.’

Matatandaang ginamit umano ni Quiboloy ang ‘Angel’s of death’ sa mga minolestiya nyang menor de edad kung saan kapag nagkwento sila ng karanasan sa mga kamay ng pastor ay hahabulin sila ng ‘Angel’s of death’ at pwede ring ikapahamak ng kanilang mga kaanak.

Una nang sinabi ni Davao City Police Chief Col. Hansel Marantan na ang ‘Angel’s of death’ ay isang malaking grupo na may myembro ng pinagsamang sibilyan, active at dating myembro ng security forces.


Binibiktima umano ng mga ito ang mga batang babaeng magaganda na pinangakuan ng libreng edukasyon at halos lahat ay galing sa broken family.

Samantala, sinabi ni Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol. Jean Fajardo na kanila nang inaalam kung may mga napatay na ang tinaguriang ‘Angel’s of death’ ni Quiboloy.

Facebook Comments