Anggulong inside job – sinisilip na rin ng QCPD sa nangyaring panloloob sa banko sa Quezon City

Quezon City – Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang nangyaring panloloob sa isang branch ng China Bank sa bahagi ng Commonwealth Avenue.

Alas 7:38 kaninang umaga nang bumungad sa bank manager ang malaking butas sa sahig pagpasok sa gate ng bangko at pagpasok sa loob, bukas na rin ang vault.

Nadiskubre naman ng mga pulis ang tanggal na takip ng isang drainage kung saan pinaniniwalaang dumaan ang mga suspek.


Hindi bababa sa lima hanggang anim na miyembro ng termite gang ang posibleng nanloob sa banko.

Sabi naman ni QCPD director Chief Guillermo Eleazar – hindi nila isinasantabi ang anggulo ng inside job.

Facebook Comments