Glowing Garden – bagong atraksyon sa Bohol

Bohol, Philippines – Dinarayo ngayon ng mga turista ang tinaguriang Glowing Garden sa Pilar, Bohol.

Sa ganda ng view sa Jardin Necitas sa Bohol para kana ring nagpunta sa South Korea.

Makikita sa garden ang libo-libong artificial roses at tulips na nakapormang hugis puso.


Pero lalo mong ma-appreciate ang ganda ng garden pagkagat ng dilim, nagliliwanag kasi ang nasa 15,000 multi-color tulips at 5,000 na red at white roses.

Bukod dito, mayroon din silang glowing Cherry Blossoms, swans at flamingos.

Sa halagang P30.00 na entrance fee, pwede mo ng dalhin dito ang iyong poreber at mga beshy.

Bukas ang Jardin Necitas mula alas-dyes ng umaga hanggang alas-dyes ng gabi.

Facebook Comments