Anggulong suicide bombing sa pagsabog sa Sulu, hindi pa rin tuluyang kinukumpirma ng DND

Malabo pa rin ngayon ang anggulong suicide bombing ang naganap na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ito ay kahit na may pahayag na ang Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang suicide bomber ang may pakana ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Giit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na batay sa survivor na kanilang nakapanayam isang babaeng balisa ang nakita sa pang apat na hanay na upuan sa simbahan na nag iwan ng isang package bago naganap ang unang pagsabog.


Malinaw aniya ito na hindi suicide bombing ang unang pagsabog.

Nalilito naman ngayon ang militar kung suicide bombing ang ikalawang pagsabog kaya patuloy kanilang imbestigasyon.

Sinabi ni Lorenzana, kung suicide bombing ang nangyari mayroon na sanang umako grupo na ang suicide bomber ay naging martir pero hanggang ngayon ay wala pang lumalabas na ganung impormasyon.

Pero malaki aniya ang posibilidad na may suicide bomber sa pangalawang pagsabog dahil sa mga nakitang impact ng pagsabog sa isang bangkay magkagayunpaman nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments