Angkas, aapela sa TWG sa planong ipa-blacklist ang kanilang serbisyo

Aapela ang motorcycle taxi operator na Angkas sa rekomendasyon ng Inter-Agency Technical Working Group na ilagay sila sa blacklist.

Ayon kay Angkas Transport Advocate Chief George Royeca – plano nilang umapela sa TWG sa mga isasagawang meeting ngayong linggo.

Aniya, nandito sila para makipagtulungan sa gobyerno.


Iginiit ni Royeca na ang layunin ng kanilang kumpanya na magbigay ng maganda at ligtas na alternatibong transportasyon sa mga mananakay.

Umaasa sila na maikokonsidera ng TWG ang kanilang posisyon.

Kahapon, inirekomenda ni TWG Chairperson, LTFRB Board Member Antonio Gardiola na tapusin ang pag-aaral sa motorcycle ride-hailing operations.

Pero nakiusap ang mga senador na palawigin ang pilot study na inaprubahan naman nina Transportation Secretary Arthur Tugade at LTFRB Chairperson Martin Delgra III.

Facebook Comments