Handa ng umarangkada ang Motorcycle Taxi o Angkas matapos ang isinagawang retraining ng 27 libong kasapi ng naturang Transport Service.
Sa ginanap na Presscon sa Manila sinabi ni Angkas Operation Head David Medrana sumailalim ng re training ang kanilnag mga miyembro alin sunod sa rekomendasyon ng TWG na binuo ng DOTr upang pag-aralan ang feasibility ng motorcycle taxi.
Paliwanag naman ni Angkas Head Regulatory and Public Affairs George Royeca ang kaligtasan ng riding public ang siyang adbokasiya ng kanilang samahan kaya lahat ng kanilang mga miyembro ay sumailalim sa riding skills assessment,written test and extensive sfety training para matiyak na makuha nila ang pinakamataas ma safety standards.
Giit pa ni Royeca mayroon aniyang sila g feedback mechanism sa kanilang app upang mahigpit na sinubaybayan nila ang performance ng lahat ng kanilang bikers partners at matugunan kaagad ang mga pangunahing problema na kinkaharap ng mga mananakay.