Angkas, hindi magpapatupad ng taas-pasahe oras na magbalik-kalsada para sa kanilang pilot testing

Handa na ang Angkas na magbalik-kalsada matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang motorcycle taxis pilot study para punan ang kakulangan sa pampublikong transportasyon.

Sa interview NG RMN-Manila, umaasa si Angkas Spokesperson George Royeca na mailabas na ang guidelines sa pagbabalik pasada ng mga motorcyle taxis kabilang ang angkas.

Tiniyak naman ni Royeca na mahigpit nilang ipapatupad ang minimum health protocols kabilang ang pagsusuot ng face mask, paggamit ng barrier, cashless payment at pag-require sa mga pasahero na magkaroon ng sariling helmet.


Maliban dito, siniguro rin ng kumpanya na regular na magkakaroon ng testing sa hanay ng kanilang mga riders para masigurong COVID-free ang mga ito.

Magiging ligtas aniya ang kanilang pagbabalik-kalsada kagaya noong nagsawa sila ng libreng sakay para sa mga medical frontliners.

Samantala, magkakaroon din ng data sharing agreement ang Angkas at gobyerno para makatulong sa contact tracing.

Nangako rin ang angkas na walang magiging taas-pasahe.

Isasagawa ang pilot study ng Angkas sa Metro Manila.

Facebook Comments