Blackwater Elite player na nagpositibo sa COVID-19, nagnegatibo sa antigen test

46

Nagnegatibo sa antigen test ang manlalaro ng Blackwater Elite na una nang nagpositibo sa COVID-19 virus sa loob ng bubble sa Clark, Pampanga.

Ito ang inihayag kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Eric Castro kasabay ng pagsasabing umaasa siyang magnenegatibo rin ang resulta nito sa RT-PCR swab test.


Inaasahan namang malalaman ang resulta ng lahat ng manlalarong nakasalamuha ng Elite player ngayong araw.

Umaasa rin ang mga manlalarong nakasalamuha ng nagpositibong elite player na magnenegatibo rin sila sa ginawang swab test.

Una nang kinansela ng PBA ang laro sa pagitan ng Elite at Rain or Shine nitong linggo ng hapon matapos magpositibo ang isang manlalaro ng Blackwater habang ang second game sa pagitan ng Magnolia at Barangay Ginebra ay itinuloy.

Facebook Comments