Angkas, humingi ng paumanhin sa kanilang “sexist” twitter post

via Angkas

Humingi ng paumanhin ang Angkas sa kanilang “sexist” twitter post nitong Hulyo 30.

Ayon sa tweet ng Angkas, inihalintulad ang kanilang serbisyo sa sex na “masarap ulit-ulitin at ANGKASariwa” na umani ng batikos mula sa mga netizen.

“@angkas: Angkas is like sex. It’s scary the first time pero masarap na ulit-ulitin.”


Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang tweet ng Angkas at sinabing hindi ito kaaya-aya sa mga pasahero.

Ipinahayag din ng PNP Hotline na matatakot ang mga tao na sumakay sa Angkas dahil sa hindi ‘katanggap-tanggap’ ang ad promotion nito.

“This is not promoting public safety in transport business anymore,” ani PNP.

Nitong Huwebes ng umaga, binura na ng motorcycle ride-hailing service ang nasabing tweet.

Humingi naman ng paumanhin ang Angkas sa kanilang “sexist” tweet at inaming mali ang naibahaging post.

Ani ng Angkas, sadyang mapagbiro ang kanilang social media team ngunit lumagpas sila sa limitasyon sa dakong ito.

Dagdag nila, ang sex ay kailanman hindi dapat ikahiya at pangdirihan para lamang makakuha ng atensyon.

Ipinaliwanag din nila na walang kinalaman ang kanilang drivers sa naturang tweet. Pinahayag din ng Angkas na propesyonal ang kanilang drivers na nagtatrabaho lamang nang maayos.

Sinisigurado rin ng Angkas na ang kaligtasan ng mga pasahero ang kanilang priyoridad.

Facebook Comments