Nanawagan ang motorcycle hailing service na Angkas na ipasa ang batas na magpapahintulot sa operasyon ng motorcycle taxis na layong maibsan ang paghihirap ng mga commuter lalo na sa mga nagtatrabaho sa urban centers.
Ito ay matapos i-endorso ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Metro Manila mayors na ituloy ang pilot study sa motorcycle taxis.
Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, umaasa sila na makakabalik na sila sa operasyon.
Suportado nila ang pagpasa ng batas na ikinokonsiderang public transport ang motorcycle taxis.
Pagtitiyak ni Royeca, ang health at safety sa kanilang mga riders kapag nakabalik na muli ang kanilang operasyon.
Nakipagtutulungan sila sa health experts para sa pagbuo ng guidelines hinggil dito.
Kabilang sa mga isinusulong nilang health at safety protocols ay ang paggamit ng barriers, pagpatutupad ng contactless payment system at pagre-require sa mga pasahero na magdala ng sariling helmet bago makapag-book ng ride.
Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na inendorso na nila ang kanilang rekomendasyon sa House Committee on Transportation para sa pag-iisyu ng resolusyon na magbibigay sa motorcycle taxis ng signal para makabiyahe muli.