Angkas, umaasang kakatigan sila ng SC

Manila, Philippines – Umaasa ang motorcycle-hailing service na ‘Angkas’ na kakatigan ng Korte Suprema ang kanlang petisyon na makapagpasada muli at makapagbigay muli ng serbisyo sa mga pasahero.

Ayon kay Angkas Regulatory and Public Affairs head George Royeca – nawa ay may makitang merito ang Kataas-Taasang Hukuman sa kanilang kaso at panigan ang riding public.

Binanggit din ni Royeca – na marami ang nagpapaabot sa kanila ng suporta mula sa mga mambabatas, alkalde, maging sa publiko.


Ikinagalak din ng Angkas ang kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na bumuo ng technical working group para talakayin ang mga isyu sakop sa paggamit ng motorsiklo bilang uri ng pampublikong transportasyon.

Matatandaang nag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa preliminary injunction ng Mandaluyong Regional Trial Court na nagpapahintulot sa mga awtoridad na hulihin muli ang mga Angkas riders.

Facebook Comments