Navotas – Inanunsiyo ng Navotas City government na walang pasok ang mga estudyante sa lahat ng antas ng paaralan at maging ang mga manggagawa nito ngayong araw (January 16) kaugnay ng ika-112 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Sa bisa ng presidential proclamation no. 389, idineklara bilang ‘special (non-working) holiday” ang January 16 sa Navotas City.
Inabisuhan din ang mga motorista na iwasan ang mga pangunahing kalsada sa lungsod sa naturang petsa dahil sa isasara ang mga ito sa trapiko upang bigyang daan ang kanilang “grand parade”.
Simula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi, sarado ang kahabaan ng C3 road, M. Naval Street, R10 Road, P. Cadroniga Street, Gov. A Pascual Street at l. Santos Street.
Facebook Comments