Anibersaryo ng CPP-NPA, Sasalubungin ng Indignation Rally ng Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Nakahanda na ang pwersa ng pamahalaan sa Lungsod ng Cauayan sa pakikiisa sa Nationwide Simultaneous Indignation Rally ngayong araw.

Pangungunahan ng PNP Cauayan City ang gagawing rally sa Lungsod katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at mga kabataan na kalimitang hinihikayat ng NPA.

Kasabay ito sa pagdiriwang ng ika-51 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa bansa.


Layunin ng kanilang gagawing Indignation Rally na ipakita ang kanilang pagkundena sa mga karahasan at iligal na gawain ng mga rebeldeng grupo.

Ito ay upang ipakita rin na nagkakaisa ang mamamayan at iba’t -ibang ahensya ng pamahalaan sa pagnanais na tuldukan ang matagal nang problema sa insurhensya.

Hinihikayat din ang lahat na nais makisama sa gagawing indignation rally upang maipakita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino laban sa komunistang pangkat.

Facebook Comments