Top 4 Most Wanted sa Nueva Vizcaya, Arestado sa QC!

Cauayan City, Isabela- Arestado ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ang itinuturing na Top 4 Most Wanted sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya sa Farmers Cubao, Quezon City.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj.George Marribay, hepe ng PNP Bayombong, kinilala ang akusado na si Mark Aldrich Tiam, nasa tamang edad at residente ng Bayombong, Nueva Vizcaya.

Batay sa ipinalabas na warrant of arrest ni Hukom Cicero Jandoc ng RTC Branch 29 ng Bayombong, Nueva Vizcaya, ang akusado ay nahaharap sa kasong panggagahasa at walang inirekomenda na kaukulang piyansa.


Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya sa Quezon City.

Ayon kay PMaj. Marribbay, anumang araw ay ipapasakamay na ang akusado sa Bayombong Police Station.

Facebook Comments