Anim, arestado sa anti-drug operations sa Taytay, Rizal

Manila, Philippines – Arestado ang anim na katao matapos salakayin ang isang drug den sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang lugar bilang one-stop shop ng mga kabataang nagnanakaw para may pangbatak ng shabu.

Ayon kay Taytay Police Chief, Samuel Delorino – mga ninakaw na cellphone at alahas mula sa salisi at panghahablot ang ipinambabayad ng mga ito kapalit ng droga.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Isinailalim na sa inquest ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa dangerous drugs act.

Facebook Comments