Anim katao, arestado sa anti-drug operation sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Arestado ang anim katao matapos ang ikinasang Oplan Galugad ng pulisya sa Muntinlupa City.

Kinilala ni Police Chief Insp. Ariel Sanchez ang mga arestado na sina Percival Bunyi, Darwin Avelina, Ronnel Villanueva, Rex Landrito, Ralph Lazaga at Joseph Barra.

Isinagawa ang Oplan Galugad sa pangunguna nina PO1 Jales Arciaga, PO1Garry Penaranda at PO1 Billy Gaerlan sa Phase 2, Southville 3, Brgy. Pob. na hinihinalang pugad ng mga adik at tulak ng iligal na droga.


Huli sa akto ang mga arestado habang gumagamit ng droga kung saan nasamsam mula sa kanila ang ilang sachet ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalia.

Ang mga nadakip ay kapwa sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments