Anim na taong gulang bata, patay matapos malunod sa Manila Bay

22

Manila, Philippines – Patay ang isang anim na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa Manila Bay sakop ng Parola Compound, lungsod ng Maynila.

Kwento ng lola ng bata, nag-aayos lamang siya ng panindang uling nang napansin nito na nawala na ang kanyang apo.

Dito na napag-alamang naligo na ang kanyang apo kasama ang iba pang kaibigang nito sa Manila Bay.

Inabot ng tatlong oras bago narekober ang bata na wala nang buhay.

Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office Chief Johnny Yu – matagal na nilang ipinagbabawal ang pagligo sa Manila Bay at mga kalapit na ilog gaya ng Pasig river.

Aminado naman ang lokal na pamahalaan na limitado ang kanilang pwersa para pigilan ang mga taong maligo sa Manila Bay.
Nation

Facebook Comments