Anim katao, patay nang araruhin ng truck ang apat na motorsiklo sa North Cotabato

North Cotabato, Philippines – Patay ang anim na katao habang pito ang sugatan makaraang araruhin ng truck ang apat na motorsiklo sa Davao-Cotabato Highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato.

Kabilang sa mga namatay ay sina Rex Agpala Carino, 27-anyos; at Junjun Alimahan, kapwa nakatira sa barangay Kibudoc sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ayon sa pulisya, patungong Cotabato ang truck ng softdrinks mula sa Davao City nang nawalan nang control at mabangga nito ang apat na motorsiklo na nasa kaniyang harapan.


Nadamay din sa road mishap ang isang babae na nag-aabang lamang ng masasakyan sa highway.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan ng apat pang namatay habang nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng truck na si Julius Cadaba.

Facebook Comments