Globalport, panalo kontra Mahindra Floodbuster

Manila, Philippines – Panalo ang Globalport Batangpier kontra Mahindra Floodbuster sa iskor na 105-86.

Naging bida sa Batang Pier si Stanley Pringle na may 24 points, tatlong rebounds at limang assists.

Nag-ambag din ng 16 points at 17 rebounds ang import na si Malcolm White habang nagdagdag ng 14 points ang rookie na si Von Pessumal.


Hindi naman nakapaglaro si Terrence Romeo dahil sa sakit nito.

Dahil sa panalo ay mayroon ng dalawang panalo at limang talo ang Globalport habang mayroong isang panalo at pitong talo ang Mahindra.

Facebook Comments