ANIM KATAO, TIMBOG SA SINALAKAY NA DRUG DEN SA DAGUPAN CITY

Arestado ang anim na katao sa drug den na sinalakay ng awtoridad sa Brgy.Pantal, Dagupan City.

Kabilang sa mga naaresto ang hinihinalang maintainer umano ng drug den.

Nakumpiska sa mga ito ang 6.8 grams ng hinihinalang shabu na nakasilid sa labing apat na pakete, buy-bust money at ilan pang drug paraphernalia.

Sasampahan ang mga suspek ng patong-patong na paglabag sa ilalim ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments