Anim na Abu Sayyaf members, arestado ng NBI

132

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng NBI at militar ang anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group sa magkakahiwalay na lugar sa Bataan at Zamboanga City.

 

Kinilala ang mga naaresto na sina Azmier Maalum, Amar Assan, Musa Tahil Sampang, Jamil Ibrahim, Yong Aming at Majuk Tahil Amil.


 

Sina Maalum, Sampang at Assan ay sangkot sa 2001 Golden Harvest Kidnapping case.

 

Si Sampang ay sangkot din sa Dr. Torres Memorial Hospital kidnapping sa Basilan habang ang iba oang naareso ay sangkot sa magkakaibang kidnapping cases.

 

Ang mga naarestong Abu Sayyaf members ay nahaharap sa kasong Obstruction of Justice, Falsification of Public Documents at kidnapping.

Facebook Comments

From Advertisers