Anim na aid workers, patay sa pananambang sa South Sudan

28
 
Manila, Philippines – Patay ang anim na aid workers matapos tambangan sa South Sudan.
 
Ayon sa South Sudan top United Nations official na si Eugene Owusu, papunta sana sa bayan ng Pibor ang mga aid workers nang atakehin sila ng mga rebelde.
 
Kaugnay nito, nanawagan si Owuso sa mga kinauukulan na itigil na ang mga ganitong insidente at bigyan ng katarungan ang mga nasawi.
 
Sa kasalukuyan, ito ang pinakamataas na bilang ng nasawing aid workers sa pananambang mula nang mag-umpisa ang civil war noong 2013 sa South Sudan.


Facebook Comments