Anim na bagong combat utility helicopter na binili sa Poland, natanggap na ng Philippine Air Force

Tinanggap na ng Philippine Air Force ang anim na bagong biling Black Hawk combat utility helicopter ngayong araw.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Acceptance, turn-over and blessing ceremony ng anim na mga bagong helicopter sa Haribon Hangar, Clark Air Base sa Pampanga.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Lt. Col. Aristedes Galang, ang pagbili ng anim na helicopter ay bahagi ng Horizon 2 ng revised AFP Modernization Program.


Binili ang mga Black Hawk helicopter para mas mapalakas ang kapabilidad ng Philippine Air Force sa pagsasagawa ng night tactical lift at combat and non-combat search and rescue operations.

Una nang sinabi ni Lorenzana na 16 na Black Hawk combat utility helicopter ang binili ng gobyerno sa Poland na may contract price na P11.6 billion.

Pero ang sampu ay sa susunod na taon pa darating sa bansa.

Facebook Comments