Ilulunsad ng Social Security System (SSS) ang anim na bagong programa kasabay ng ika-65 anibersaryo nito.
Iniihayag ni SSS President and CEO Michael Regino na ang mga isasagawa nilang mga programa ay para sa lahat ng miyembro nito.
Aniya, ang mga programang ito ay para masiguro ang social security coverage para sa mga informal economy worker at matulungan ang mga miyembro na makaipon para sa kanilang retirement benefits.
Isa rin itong paraan para matulungan ang mga employer at miyembro na maayos ang kanilang kontribusyon at ang mga problema sa loan.
Ilan sa mga programa na isasagawa ay ang Contribution Subsidy Provider Program, New Flexible Payment Terms for Farmers and Fisherfolks, Consolidated Loan Program with Condonation of Penalty, Contribution Penalty Condonation Restructuring Program for Household Employers at Contribution Penalty Condonation Delinquency Management and Restructuring Program for Business Employers.
Sa huling bahagi naman ng taon ikakasa ang Workers’s Investment and Saving Program Plus.
Sa ilalim nito, maaring makapag-ipon at mag-invest ang mga miyembro kung saan makukuha nila ang kinalabasan nito kapag dumating ang panahon ng kanilang pagreretiro.