Mabuting kalusugan, hangad ng Office of the Press Secretary para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kanyang kaarawan ngayong araw

45

Good health para sa pangulo.

Ito ang hangad ng Office of the Press Secretary kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang ika-65 taong kaarawan.

Sa Facebook page ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles, inihayag nitong wish nilang manatiling maging malakas ang pangulo para magampanan nito ang kanyang tungkulin sa bansa at milyon-milyong mga Pilipino.


Kasabay nito ay sinuguro ni Angeles na kasama at kaisa siya sa mithiin ng Punong Ehekutibo na mapaganda ang pamumuhay ng bawat mamamayan at maisaayos pa ang kalagayan ng bansa.

Inihayag ng kalihim na mananatili siyang nasa likod ng pangulo para tapusin ang nasimulan ng administrasyon para sa susunod na anim na taon bilang ama ng bansang Pilipinas.

Facebook Comments