ANIM NA BAYAN SA PANGASINAN, MAKARARANAS NG 12 ORAS NA POWER INTERRUPTION

Makararanas ng power interruption ang anim na bayan sa lalawigan ng Pangasinan sa darating na March 15, araw ng Sabado.

Sa abiso ng electric company, labindalawang oras o mula 6AM hanggang 6PM magkakaroon ng kawalan ng kuryente sa buong bayan ng Bugallon, Aguilar, Lingayen, Binmaley, Mangatarem at Urbiztondo maliban sa mga barangay ng Pasibe East, Pasibe West, Bituag, Balangay, Batangcaoa, Duplac, at Malaca.

Isasagawa ang relokasyon ng 69kV pole aa #140 Poblacion, Aguilar, maging ang preventive maintenance ng power transformer sa bahagi ng Binmaley at Bugallon Substation, at ilang pang kinakailangang isagawa para mapanatili ang katatagan ng enerhiya.

Samantala, abiso sa mga electric consumers mainam na paghandaan ito o magcharge lalo na sa mga ginagamit na mga gadgets at phones. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments