Anim na buwan na suspensyon, ipinataw ng Ombudsman sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng Procurement Service ng DBM

Pinatawan ng anim na buwan na suspensyon ng Office of the Ombudsman ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) at Department of Health (DOH).

Kabilang sa isinailalim sa preventive suspensyon ay si Overall Deputy Ombudsman Warren Liong na dating PS-DBM Procurement Group Director.

Kaugnay ang preventive suspensyon sa kontrobersyal na pagbili ng medical supplies sa Pharmally noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Batay sa desisyon ni Ombudsmam Samuel Martirez, mayroong sapat na batay upang inilagay sa preventive suspesyon ang mga respondent habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Kabilang pa sa pinatawan ng suspensyon sina Health Undersecretary Nestor Santiago Jr., at dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na nanguna sa pagpasok sa kontrata sa Pharmally.

Maliban dito, 30 iba pang mga dati at kasalukuyang opisyal ng PS-DBM ang pinatawan ng suspensyon without pay ng Ombudsman.

Kasunod nito, inatasan ng Ombudsman sina DBM Secretary Amenah Pangandaman, OIC Maria Rosario Vergerie, at Lots Aguirre, acting Chief Administrative Officer ng Human Resources and Management Division ng Office of the Ombudsman na ipatupad ang preventive suspension.

Facebook Comments