Mastermind sa Degamo Slay Case, matutukoy na sa mga susunod na araw

Kumpiyansa ang binuong Special Task Force Degamo na matutukoy na nila ang mastermind sa karumal-dumal na pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa walong iba pa.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pulong balitaan kahapon ng Task Force sa Kampo Aguinaldo.

Ani Remulla, malakas ang hawak nilang mga ebidensya laban sa utak ng krimen at daragdagan pa ito ng salaysay ng mga nahuli at sumukong mga suspek.


Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na magiging air tight din ang kasong kanilang isasampa laban sa lahat ng mga sangkot dito.

Samantala, tahasan namang pinabulaan ni Remulla na si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr., ang mastermind sa krimen.

Ayon sa kalihim, ni kailan ay hindi nila binanggit ang pangalan ng kongresista na taliwas sa sinasabi ng kanyang kampo na tila tinutumbok si Teves na utak sa krimen.

Facebook Comments