Anim na buwang sanggol, nalunod sa baldeng kemikal sa Bacolod

312
Photo courtesy of romper.com

Isang anim na buwang sanggol ang patay matapos mahulog at malunod sa balde ng may pinaghalong tubig at kemikal sa Bacolod.

Nangyari ito nang nakatulog ang magulang ng sanggol dahil sa pagtitinda ng gulay sa Libertad Public Market.


Pagkagising nila ay nakita na lamang ang bata na nasa balde na may oxalic acid, panglinis ng mga gulay at mga kalawang. Sinabi rin nilang baka nagising ang bata at aksidenteng nahulog sa timba.

Ayon sa tita ng bata na si Marinel Palacios, hindi naging iresponsable ang mga magulang ng bata dahil hindi nila pinababayaan ang kanilang anak kahit na masyadong abala sila sa trabaho.

Ang bata ay dinala sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ngunit hindi na ito naka-survive.

Facebook Comments

From Advertisers