Stanley Pringle trinade sa Ginebra kapalit nina Mercado, Ferrer at Cruz

307
Image via PBA Media Bureau

Bagong miyembro ng Barangay Ginebra ang NorthPort Batang Pier guard na si Stanley Pringle.

Itrinade ng Gin Kings sina Sol Mercado, Jervy Cruz, at Kevin Ferrer para makuha si Pringle.


Sa lumabas na kasunduan ng dalawang koponan, mapupunta din sa Ginebra ang first round pick ng Batang Pier sa gaganaping PBA Draft.

Inilabas ng Barangay Ginebra ang kumpirmasyon sa kanilang official Twitter account.

Ngayon conference, nagtala ng average na  14.5 points, 2.5 assists, at 2.0 rebounds si Pringle. Sumailalim sa ankle surgery ang dating NorthPort star player at tuluyan hindi nakalaro sa huling tatlong games ng nasabing koponan.

Ayon sa isang source, mas lalong lalakas ang opensa ng Ginebra sa pagdating ni Pringle. Kabilang na siya sa mga tutulong kay Japeth Aguilar, LA Tenorio, Greg Slaughter at import na si Justin Brownlee.

Maaring pumunta si Pringle sa practice ng Ginebra bukas upang paghandaan ang kanilang laban sa NLEX sa darating na Linggo.

Facebook Comments

From Advertisers