Anim na drug suspects, arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng QCPD

Anim na drug personalities ang sunod-sunod na nahulog sa kamay ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkakahiwalay na anti-drug operations.

Arestado ng Novaliches Police Station ang tatlong babaeng tulak ng droga.

Kinilala ang mga ito na sina Brenda Lopez ng Brgy. Gulod, Novaliches, Shiela Razonable at Kristine Joy Ramos na parehong residente ng Caloocan City.


Natimbog sila sa buy-bust sa No. 54 Sta. Isabelle Villareal, Brgy. Gulod, Novaliches.

Nakuha sa kanila ang sampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000.00, buy-bust money, drug paraphernalia, at cellular phone.

Nahuli naman ng Project 4 Police Station (PS 8) sa isang buy-bust sina Edmundo Cirineo, Gilbert Teobongco at Joanna Basilio, mga residente ng Marikina City.

Nasakote sila sa 21st Ave. near corner P. Tuazon Blvd. Brgy. Tagumpay, Project 4.

Nakumpiska sa kanila ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱34,000.00, buy-bust money at tatlong cellular phones.

Facebook Comments