Anim na empleyado na nakakulong sa Kamara, hindi pa rin pinapalaya

Ilocos Norte – Malabo pa ring makalaya ang tinaguriang Ilocos 6 o iyong 6 na empleyado ng Ilocos Norte na nasasangkot sa katiwalian at naka-detain ngayon sa Kamara.

Kaninang umaga ay muling tinangka ng process server ng Court of Appeals na isilbi ang release order sa anim pero hindi ito pinapasok sa Batasan.

Iniutos ng CA 4th Division ang pagpapalaya sa 6 na empleyado matapos mabigo si House Sergeant at Arms Roland Detabali na sumipot sa 3 pagdinig ng korte noong nakaraang linggo.


Pero ayon kay Detabali, naghain na sila ng motion for reconsideration ad cautelam sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General.

Iginiit ng liderato ng Kamara na walang hurisdiksiyon ang CA sa contempt order ng 6 na detainees.

Ikinulong sa Batasan sina Genedine Jambaro, Encarnacion Gaor, Josephine Calajate, Eden Battulayan, Evangeline Tabuluog at Pedeo Agcaoili Jr. matapos ma-contempt sa pagdinig ng house committee on good government and public accountability sa isyu ng umano’y maling paggamit sa pondo ng tobacco excise tax na ipinambili ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan na hindi dumaan sa bidding.
DZXL558

Facebook Comments