ANIM NA EMPLOYER SA URDANETA CITY, NATUKOY BILANG MGA DELINQUENT EMPLOYERS AYON SA SSS

Natukoy ng Social Security System (SSS) sa lungsod Urdaneta ang anim na delingkwenteng employer kasunod ng kanilang kampanyang Run After Contribution Evaders (RACE).
Ang anim na employer ay nabigyan na ng abiso upang ayusin ang kanilang mga delingkwensya bago ang ibinigay na mga deadline ito ang sinabi ni SSS Urdaneta City chief Christopher Servas.
Dagdag pa niya, maaari ring ayusin ng mga employer ang mga delingkwensya nang maayos kung saan mayroon aniyang konsiderasyon dahil ang mga ito ay mga kapaki-pakinabang na mga empleyado.

Sinabi ni Servas na mayroon ding condonation programs ang SSS na maaaring mapakinabangan ng mga employer.
Kung ang mga employer ay mabigong kumilos at ayusin ang kanilang mga delingkwensya sa oras, ang kanilang mga rekord ay ipapasa sa legal department na magdedesisyon kung sasamahan na ang mga ito ng kaso, dagdag niya.
Aniya, muli silang magsasagawa ng RACE operations sa Setyembre.
Ang SSS Urdaneta City Branch ay sumasaklaw sa ikalima at ikaanim na distrito ng Pangasinan na may mahigit 19 na local government units.
Sinasaklaw ng RACE ang mga employer na may mas mababa sa 100 empleyado o micro at small enterprises. |ifmnews
Facebook Comments