Anim na estudyante, lalaban sa mathematical competition sa UK

via RMN Files

Napili ang anim na estudyanteng Pinoy na makipagkumpitensya sa larangan ng Matematika sa ibang bansa sa darating na Hulyo.

Gaganapin ang 60th International Mathematical Olympiad sa Hulyo 11-12 sa Bath, United Kingdom, kung saan kasama rito ang anim na mathematics wizard na i-rerepresenta ang bansa sa pinaka-prehisteryosong math competition sa mundo.

Nanalo ang anim na estudyante sa Mathematical Olympiad Summer Camp kung saan makakalaban nila ang 636 na estudyante na mula sa 113 na bansa.


Kabilang anim na sasabak ay sina Immanuel Josiah A. Balete ng St. Stephen’s High School, Vincent U. Dela Cruz ng Valenzuela City School of Mathematics and Science, Andres Rico M. Gonzales III ng De La Salle University Integrated School, Dion Stephan J. Ong ng Ateneo de Manila Senior High School, Bryce Ainsley A. Sanchez ng Grace Christian College at Sean Anderson L. Ty ng Zamboanga Chong Hua High School.

Pamumunuan ang grupo nila Dr. Richard B. Eden at Dr. Christian Paul O. Chan Shio ng Ateneo de Manila University at Ruselle Guadalupe ng University of the Philippines- Diliman.

Sa kompetisyon, mag-eexam ang anim na estudyante bilang isang grupo sa loob ng dalawang araw. Ang bawat exam ay sasagutan sa loob ng apat at kalahating oras. Bibigyan sila ng tatlong math problems.

Magkakaroon naman ng send-off party sa Hunyo 29, 6:00 ng gabi para sa grupong magrerepresenta ng bansa.

Facebook Comments