Thursday, February 12, 2026

ANIM NA INDIBIDWAL, NAHULI SA ILIGAL NA PAGBI-BINGO SA SAN FERNANDO, LA UNION

Anim na indibidwal ang nahuli ng pulisya dahil sa iligal na pagbi-bingo sa lungsod ng San Fernando, La Union, hapon noong Pebrero 11, 2026.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y iligal na pagsusugal sa lugar.

Naaktuhan ang mga suspek habang naglalaro ng “Bingo” na labag sa City Ordinance No. 3, Series of 1970 o Anti-Illegal Gambling Ordinance.

Kabilang sa mga naaresto ang apat na kababaihan na nasa hustong gulang, isang 17-anyos na lalaki, at isang 17-anyos na babaeng estudyante, na pawang mga residente ng nasabing lungsod.

Nakumpiska mula sa kanilang kustodiya ang isang set ng bingo cards at kabuuang halagang P284.00 na hinihinalang ginamit bilang pusta.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Fernando City Police Station ang mga nahuling indibidwal para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments