Anim na Katao, Huli sa Paglalaro ng “Tong-Its”

Santiago City, Isabela – Nahaharap sa Kasong Paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang anim na katao matapos maaktuhan sa isinasagawang paglalaro ng “Tong-its” pasado alas singko ngayong araw, April 13, 2018 sa barangay Nagassican, Santiago City.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng PNP Station 1 Santiago City, Ang mga nahuli ay kinilalang sina Florenda Galasi, singkwentay singko anyos, Marrieta Isidro, trentay nuwebe anyos, Caren Cao, trentay otso anyos, Hilda Cada, kwarentay singko anyos, Marita Alcanar, singkwenta anyos at Mario Bayang, sisentay otso anyos at pawang mga residente ng naturang barangay.

Nadakip ang mga ito habang nag-iikot ang mga kapulisan sa naturang barangay at nakuha mula sa kanilang paglalaro ang mahigit isang libong piso at barahang ginamit sa “Tong-its”.


Nasa piitan na ang mga nahuli at mapapatawan ng kaukulang parusa.

Facebook Comments