Anim na LGUs, pumayag nang pauwiin ang LSIs sa kanilang probinsya

Tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapauwi ng pamahalaan sa Locally Stranded Individuals (LSIs) sa kani-kanilang probinsiya bunsod na rin ng epekto ng COVID-19.

Sa katunayan, nasa anim na flights patungo sa iba’t ibang probinsya sa bansa ang nakatakdang bumiyahe ngayong araw.

Ilan sa mga ito ay Manila to Cotabato, Manila to General Santos, Manila to Davao, Manila to Bacolod, Manila to Zamboanga at Manila to Cagayan.


Nabatid na ang anim na probinsya ay ang Local Government Units (LGUs) na pumayag na pauwiin na ang LSIs na manggagaling ng Maynila base na rin sa naging kasunduan nila sa pagitan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Sasailalim naman sa COVID-19 test ang LSIs upang matiyak na hindi magkakalat ng virus sa pupuntahang probinsya.

Facebook Comments