Cauayan City, Isabela – Makakatanggap pa rin ng anim na libong piso kada semester ang mga scholars na miyembro ng indigenous people dito sa lalawigan ng Isabela at maging sa buong bansa.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Isabela 3rd. District Board Member Atty. Randy Arreola, ang anim na libong piso ay bilang financial assistance sa mga miyembro ng IP”s na may mga kakayahang makapag-aral.
Kinakailangan umano na mamintena ng mga scholars ang kanilang mga pasadong grado upang maituloy din ang kanilang tulong pinansyal.
Aniya ang nasabing halaga ay direkta sa mga paaralan na pinapasukan ng mga IP’s scholars na mula sa national budget ng ANAC-IP’s sa pangunguna ni Representative Bentot Panganiban.
Paliwanag pa ni Atty Arreola na dapat sa mga pampublikong paaralan lamang ang papasukan ng mga IP’s upang mapagkalooban ng scholarship program.