Anim na local vaccine manufacturer ang nagpahayag na ng intensyon na tumulong sa pamahalaan.
Kasunod na rin ito ng kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines.
Sa interview ng RMN Manila kay Department of Science and Technology (DOST) Sec. Fortunato de la Peña, nakausap na nito ang anim na private company na makikipag-tie-up sa mga vaccine developer at manufacturer sa ibang bansa.
Paglilinaw ni Dela Peña, ang anim na private company ang bahala sa mass production habang ang Virology Institute ang siyang bahala sa pag-develop ng COVID-19 vaccine.
Layon ng pagtatatag ng Virology Institute ay para makatulong sa bansa na maghanda sa mga susunod pang pandemya.
Facebook Comments