Sandra Cam at anak na lalaki, pinakakasuhan ng DOJ ng murder dahil sa pagkakapatay sa vice mayor ng Batuan, Masbate

70

Nakitaan ng “probable cause” ng Department of Justice (DOJ) para kasuhan si Sandra Cam at kaniyang anak na si Marco Martin Cam kaugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa DOJ, bukod sa mga Cam, pinakakasuhan din ng murder ang limang indibidwal na sangkot sa kaso.


Matatandaan na napatay sa pananambang noong October 2019 si Yuson sa Sampaloc, Maynila, habang sugatan naman ang dalawang kasama nitong sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte.

Sinasabing politika ang motibo sa krimen pero itinanggi naman ito ng kampo ni Cam.

Facebook Comments