Nagbabala ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi ligtas kainin ng tao ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha sa mga lugar na positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.
Ito ay matapos na makitaan ng toxic red tide ang anim na lugar sa bansa.
Kinabibilangan ito ng ang mga baybayin ng:
1. Bolinao, Pangasinan;
2. Dauis at Tagbilaran City, Bohol;
3. Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur;
4. Milagros, Masbate;
5. Litalit Bay, San Benito, Surigao Del Norte; at
6. Lianga Bay sa Surigao Del Sur
Paalala pa ng BFAR, bagamat pwede namang kumain ng isda, posit, hipon at alimango basta sariwa ang mga ito, hinugasang mabuti at inalisan ng hasang at bituka bago lutuin.
Facebook Comments