Nakapagtala ang anim na lungsod ng 100 percent Intensive Care Unit (ICU) utilization rate sa COVID-19 patients.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at kalapit probinsya.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nangako ang malalaking private hospitals na magdadagdag sila ng 150 ICU beds.
Gayunman, hindi naman tinukoy ng kalihim ang anim na lungsod na ito.
Dahil dito, sinabi ni Duque na magtatayo ang pamahalaan ng modular hospitals para sa mga severe at critical COVID-19 patients.
Habang ang mild COVID-19 patients o mga asymptomatic ay maaring manatili sa isolation at quarantine facilities at hindi na sa ospital.
Facebook Comments